Pumalo na sa 11,000 ang bilang ng EDSA Bus Lane violators simula pa lang at pagpasok ng taong 2023.
Sa pagtatala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang buwan ng Hulyo ang may pinakamaraming bilang ng motoristang lumabag at gumamit ng EDSA Bus lane na umakyat sa 4,395.
Habang sa buwan naman ng Abril, ang may bilang na pinakamababang paglabag na umabot lamang sa 172 ang nag-violate.
Samantala, ngayong araw ay umabot na sa 333 violators ang nasampolan at na-ticketan ng mas mataas na multa na mga pasaway na motorider na pumasok sa Bus lane.
Sa ngayon ay tinigil muna ang operasyon sa Southbound at Northbound EDSA Bus lane dahil sa traffic na rin na dulot ng naging operasyon kanina dahil sa dami ng pasaway na mga motorista.
Inaasahan namang madadagdagan pa ang EDSA Bus lane violators hanggang mamaya bago matapos ang unang araw ng pagpapataw ng mas malaking multa.