DOF: Independence ng Board of Directors ng MIF, titiyakin ng inamyendahang IRR ng batas 

Suportado ng Department of Finance (DOF) ang inamyendahang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act.

Ayon sa DOF, titiyakin ng IRR ang independence ng Board of Directors ng MIF na magkaroon ng puwang para bumuo ng credible oversight and risk management body para pairalin ang pinakamataas na standard at epektibong fund management.

Ang pagbabagong isinagawa sa IRR ay naglalayon ding patatagin ang corporate governance nito.


Napapanahon anila ang paglalabas ng revised IRR dahil marami ng investors sa loob at labas ng bansa ang nagpahayag ng kanilang interes na mag invest sa MIF.

Giit pa ng DOF, ang IRR ay nagpapakita lamang ng commitment ng Marcos administration na maipatupad ang batas ngayong taon upang bigyan daan ang epektibong sovereign wealth fund na magsusulong ng long term growth ng bansa.

Facebook Comments