HIGIT 12-MILYONG HALAGA NG ILLEGAL DRUGS, SINIRA SA LA UNION

Aabot sa higit 12-milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang sinira sa pamamagitan ng Thermal Destruction ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 sa Bacnotan, La Union.

Ang mga illegal na droga ay nasamsam mula sa lalawigan ng Pangasinan , Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Ayon kay PDEA Region 1, Investigation Agent Richard U Tinong, hepe ng Plans and Operations Division, isinasagawa ang thermal destruction upang maipakita sa publiko na ang mga nakumpiskang iligal na droga ay hindi inirerecycle o ginagamit sa ibang paraan.


Ang hakbang na ito ay batay sa Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na kailangang sunugin o sirain ang mga ebidensya na ipinagbabawal na gamot.###

Facebook Comments