HIGIT 120-M HALAGA NG FARM MACHINERIES MULA SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGIONAL FIELD OFFICE 1 NAIPAMAHAGI SA WALONG BAYAN SA PANGASINAN

Dahil sa pagpapaigting at tuloy-tuloy na suporta ng Kagawaran ng Agrikultura sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan muling namahagi ng iba’t ibang kagamitan sa pagsasaka.
Naganap ang pamamahagi kahapon ika-21 ng Hulyo sa bayan ng Mangatarem kung saan nasa walong (8) ang benepisyaryo rito na kinabibilangan ng mga bayan ng of Mangatarem, Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, Labrador, Lingayen, at Urbiztondo.
Kabuuang Php 124.8-milyon ang naipamahagi sa tinatayang nasa dalawampu’t isang (21) mga asosasyon kasama ang mga lokal na pamahalaan ng mga bayang nabanggit.

Ilan lamang sa mga natanggap ng mga benepisyaryo ay ang mga hybrid rice seeds, hand tractors, pump and engine sets, rice precision seeder, four wheel drive tractor, knapsack sprayers, vegetable seeder, vegetable seeds, plastic crates, multi-cultivator, shredder, plastic mulch, plastic drums, complete fertilizer, muriate of potash, organic plant supplement, liquid fertilizer, garden tool set, net mesh at marami pang iba.
Samantala, bukod sa mga kagamitan ay mayroong 4,572 fertilizer discount vouchers ang ipinamahagi ang magagamit na para sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa walong munisipalidad. |ifmnews
Facebook Comments