Pumalo sa kabuuang 12,766 na indibidwal ang natulungan ng mga staff at volunteers ng Philippine Red Cross nitong nagdaang May 13 Midterm Elections.
Sa datos ng PRC
Blood Pressure consultation- 12,535
Minor Cases-132 (dizziness, abrasion, body weakness, hyperventilation, open wound, fever, cramps, burn)
Major Cases- 19 (elevated blood pressure, difficulty of breathing, seizure, numbness, blurred vision)
Transported to hospital- 9 (Difficulty of Breathing, fainting, suspected stroke, stomach pain)
Welfare: 71 (Psychosocial support-55, Referred-10, wheelchair assistance-6)
Matataandaang nagpapakalat ang Red Cross ng 2000 staff and volunteers sa buong bansa para 2019 National and Local Midterm Elections.
Layon nitong matiyak na ligtas at maayos ang bawat mamamayan habang ginagampanan ang kanilang karapatang bumoto.
Ang Philippine Red Cross ay nakipagtulungan sa Commission on Elections at nag-set up ng 310 first aid stations at 158 welfare desks, at nagdeploy ng 150 ambulansya at 42 emergency vehicles sa iba’t ibang strategic areas.