Higit 120,000 estudyante, nabigyan na ng educational assistance ng DSWD

Nasa 70,000 mag-aaral ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon, August 27.

Katumbas ito ng humigit-kumulang P164,000 na halaga ng tulong-pinansyal.

Dahil dito, aabot na sa higit 120,000 mga estudyante ang natulungan ng ahensya kung saan una nang nabigyan ng one-time cash grant ang nasa 53,000 benepisyaryo nito sa unang Sabado ng distribusyon noong August 20.


Samantala, bagama’t mas organisado ang pamamahagi ng ayuda kahapon, nakaranas pa rin ng ilang problema ang DSWD partikular sa Palawan, Romblon at Marinduque.

Ilan sa nakitang problema ay kakulangan sa payout area at pagdagsa ng mga walk-in na inirereklamo ang late na pagpapalabas ng google link gayundin ang mahinang signal at internet dahilan kaya hindi sila makapagparehistro online.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng DSWD kung kalian nila papayagan ang walk-in sa mga payout area.

Facebook Comments