SSS main building, nasunog!

387

Nasunog ang bahagi ng SSS main building sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City kaninang alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunod sa electrical room na matatagpuan ng ground floor ng gusali.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at naapula dakong alas-5:11 ng umaga.


Aabot sa P700,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog.



Facebook Comments