Umabot na sa higit 122,000 babaeng miyembro ng Social Security System (SSS) ang nabenepisyuhan ng expanded maternity leave law sa unang apat na buwan ng 2019.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio – 122,571 female members ang nakatanggap ng mataas na benepisyo sa ilalim ng bagong batas mula Enero hanggang Abril ng kasakuluyang taon.
Aniya ang SSS ay nakapag-disbursed ng nasa ₱2.67 billion na halaga ng maternity benefits.
Ito ay 15.09% na mataas kumpara sa ₱2.32 billion sa kaparehas na panahon noong 2018.
Sa darating na Enero 2020, ang maximum maternity financial assistance ay aabot sa ₱70,000 mula sa ₱32,000.
Maliban sa sickness, disability, retirement, funeral, death or survivor pension, at unemployment ang higher maternity benefits ay bahagi ng pitong benepisyo sa ilalim ng SSS law.