Ayon kay Ghiner Manding, OIC- Municipal Agriculturist, nasa 800 ektarya o 30% ang nasirang pananim na palay habang 12k ektarya o 40% naman ang nasirang mais.
Kaugnay nito, dinagsa ng mga magsasaka ang tanggapan ng Municipal Agriculture Office (MAO) para magsumite ng notice of loss upang makatanggap ng bayad-pinsala mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Kailangang umano maipaalam sa MAO ang naging pinsala sa mga pananim sampung araw pagkatapos ng bagyo.
Ayon sa Baggao Information Office, may tatlong clusters na ang opisinang tumatanggap ng mga dokumento.
Kasama din sa mabibigyan ng insurance ang mga nasirang palaisdaan at high value added crops.
Iginiit din ni Manding na tanging ang mga nakapagsumite lamang ng insurance noon ang makakatanggap ng bayad-pinsala.
Kasalukuyang namang nagsasagawa ang MAO katuwang ang DA Region 2 ng aktwal na inspeksyon sa mga nasirang palayan at maisan sa naturang bayan.