HIGIT 12K PWDs SA ILOCOS REGION, KABILANG SA CASH-FOR-WORK NG DSWD

Aabot sa higit 12,000 Persons with Disabilities sa Ilocos Region ang kabilang sa cash-for-work program ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1.
Pinangunahan ni DSWD Field Office 1 Regional Director Marie Angela S. Gopalan ang naganap na BUHAYNihan: National Simultaneous Ceremonial Payout ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services – Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash for Work for Persons With Disabilities (KALAHI-CIDSS KKB-CFW for PWDs) sa unang sampung siyudad at munisipalidad sa Rehiyon 1.
Ang mga ito ay Alaminos, Urdaneta, Dagupan, at San Fabian sa Pangasinan; San Fernando at Bauang sa La Union; Candon at Tagudin sa Ilocos Sur; at Laoag at Batac naman sa Ilocos Norte.

Sa naturang programa, mabibigyan ng pagtingin at halaga ang mga kakayahan, karapatan at ambag ng mga PWDs sa lipunan.
Isa ito sa hakbang ng kasalukuyang administrasyon nang matugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng PWDs sa bansa.
Maaaring tumanggap ng 4,000 sa cash assistance ang mga ito sa nasabing programa. |ifmnews
Facebook Comments