HEALTHY AND SAFE CITIZENRY SA ILOCOS SUR, PATULOY NA PINALALAKAS

Upang mas palakasin pa ang kaligtasan ng mga residente at mga bibista sa Ilocos Sur, bumisita si Police Regional Director, PRO1, PBGen John C. Chua sa probinsya para sa isang kasunduan.
Pinirmahan nina Governor Jerry Singson at PBGen Chua ang isang Memorandum of Agreement para sa pagtatayo ng Tourist Police Outpost. Ang pagtatayo ng Tourist Police Outpost ay pinirmahan para sa proteksyon ng mga turista at residente sa Ilocos Sur.
Bukod rito, para mapalaganap rin ang pagpapahalaga sa kalusugan ay naghatid naman ang pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ng One Ilocos Sur Health Caravan sa mga residente ng Gregorio Del Pilar.

Ang mga residente ay nakatanggap ng libreng medical at dental consultation, minor surgery, at ophthalmology check-up, libreng gamot, bitamina, assistive devices at food packs.
Nakiisa sa caravan ang Deokid/Biotech Foundation at nag-donate ng limandaang pares ng tsinelas at bitamina para sa mga bata sa lugar. |ifmnews
Facebook Comments