Higit 130 na specialty center, naitatag ng pamahalaan sa buong bansa

 

Umabot na sa 131 specialty centers ang naipatayo ng administrasyong Marcos sa buong bansa hanggang nitong December 2023.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naglaan din ang gobyerno ng ₱11.12 bilyon ngayong taon para sa karagdagang specialty centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bukod pa dito, pinalawig din aniya ng pamahalaan ang programang “Doctors to the Barangays” sa 204 na munisipalidad.


Ito ay katumbas ng 91% ng municipalities sa bansa kung saan tiyak na may nakatalagang doktor para sa publiko.

Patuloy pa itong programa na ito para naman masabi natin na talagang binabantayan ang kalusugan ng ating mga mamamayan.

Matatandaang noong August 24, 2023, nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang R.A. 11959 known o Regional Specialty Centers Act, kung saan nagtatag ng mga specialty centers, specialty hospitals sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments