Mahigit ₱70-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa halos 2 linggong operasyon

 

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na mayroon nang mahigit ₱70.9M na halaga ng iligal na droga ang kanilang nakumpiska sa pagpasok ng taong 2024.

Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang naturang halaga ay resulta ng 719 na anti-illegal drugs operation mula January 1 hanggang January 11.

Samantala, sa mga wanted persons, mayroon nang 1,801 individuals ang kanilang naaresto dahil sa kinakaharap nilang iba’t-ibang kaso.


Pagdating naman sa kampanya laban sa loose firearms, mayroong 155 katao ang naaresto na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 673 firearms.

Facebook Comments