Pumalo na sa 135,290 na mga overseas Filipino ang nakauwi na sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), higit 10,000 sa kanila ang nakauwi kamakailan sa pamamagitan ng repatriation flights.
Ang pinakahuling batch ng mga na-repatriate ay mula Middle East na karamihan ay nag-avail ng amnesty dahil sa overstaying.
May halos 3,000 seafarers ding natulungan ang DFA na makabalik ng bansa, kabilang ang mga galing sa China, Japan, India, Canada at United States.
Habang marami rin ang pinili na lang umuwi dahil sa kawalan ng oportunidad sa ibang bansa bunsod ng pandemya.
Sa Lunes naman inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng mga Pinoy mula lebanon na apektado ng mga protesta kasunod ng nangyaring pagsabog sa Beirut.