Higit 15 Milyung pisong halaga ng misdeclared na agricultural products mula China, nasabat sa Manila International Container Port

Aabot sa mahigit 15 Milyung pisong halaga ng mga misdecalred na produktong pang-agrikultura ang nasabat ng Bureau of Customs na nagmula sa China.

Ang mga nasabing karvamento ay magkasunod na dumating sa Manila International Container Port (MICP) kung saan matapos ang isinagawang eksaminasyon ng customs ay natuklasang kaduda-duda ang idineklarang timbang at halaga nito.

Tinatayang nasa 15.5 Milyong piso ang halaga nito at ang ibang laman mito ay idineklarang 3,300 kahon ng mansanas ngunit natuklasan na ang container ay naglalaman ng pulang sibuyas.


Idineklara rin ang dalawa sa kargamento na red beans ngunit ang laman nito ay 5,300 sako ng asukal.

Habang ang iba pang kargamento ay idineklarang 1,058 kahon ng t-shirts pero 200 sako ng bigas ang laman, 1,300 kahon  ng iba pang food products, 30 kahon ng gamot at  425 kahon ng  non-perishable items.

Inaalam naman sa ngayon kung sino o anong kumpaniya ang consignee nito at saang lugar din ito dadalhin.

Facebook Comments