Higit 1,500 motorista, nasita ng MMDA sa unang araw ng pagpapatupad ng expanded number coding scheme

Aabot sa 1,549 na motorista ang nasita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run para sa expanded number coding scheme sa National Capital Region (NCR).

Mababatid na epektibo na muli simula August 15 ang number coding sa ilang major roads sa Metro Manila mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.

Sa ilalim nito ay bawal dumaan ang mga motorista na nagtatapos ang kanilang plaka sa itinakdang numero kada araw sa EDSA, Commonwealth, Roxas Boulevard, R1 to R10, C1 to C6, Alabang Zapote Road, McArthur Highway, Marcos Highway, at Mabini Street.


Ayon sa MMDA, magtatagal hanggang Miyerkules ang dry run para sa number coding at pagsapit ng Huwebes, August 18 ay magmumulta na ang paglalabag rito ng 300 pesos.

Ang pagbabalik number coding scheme ay bahagi ng paghahanda ng MMDA sa pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa kung saan inaasahang sisikip lalo ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments