Mga labi ng binatilyong pinatay ng mga pulis matapos umanong manlaban sa drug operation sa Caloocan City noong 2017, muling isasailalim sa autopsy

137

Muling isasailalim sa autopsy ang labi ni Kian Delos Santos matapos tanggalin mula sa nitso sa La Loma Cemetery sa Caloocan City kahapon.

Kasabay nito ang isinagawang misa ng pamilya at kamag-anak para kay Kian.

Nakatakda rin kasi ngayong araw na mapaso ang kontrata ng pamilyang Delos Santos para sa limang taon na renta sa apartment style na nitso sa nasabing sementeryo.


Si Kian ang binatilyo na pinatay ng mga pulis matapos umanong manlaban sa drug operation noong August 16, 2017 sa kasagsagan ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Isasagawa ang autopsy ng labi ni Kian sa Philippine General Hospital sa Lungsod ng Maynila.

Facebook Comments