Higit 1,500 pamilya sa Cavite, inilikas dahil sa bagyong Rolly

Umabot sa higit 1,500 pamilya sa Cavite na nakatira malapit sa coastal areas ang pansamantalang nagpalipas ng gabi sa evacuation center.

Karamihan sa mga evacuees ay humihiling ng diaper at gatas para sa mga bata.

Ayon kay Philippine Coast Guard Cavite Commander Lieutenant Michael John Encina, inaasahan pa ring mararamdaman sa lalawigan ang malakas na hangin dala ni Rolly kaya nananatili silang naka-full alert.


Naobserbahan ang malalaking alon sa Tanza at Cavite City.

Wala namang maritime incident ang naitala ng Coast Guard sa buong maghapong pagtama ni Rolly.

Suspendido pa rin ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat hangga’t hindi pa gumaganda ang panahon o nananatili pa rin ang dalang hangin at ulan ng bagyo sa lugar.

Facebook Comments