Higit 15,000 indibiduwal, nawalan ng trabaho sa NCR ayon sa DOLE

Umabot sa higit 15,000 katao sa National Capital Region (NCR) ang nawalan ng trabaho nang ipatupad ang mahigpit na lockdown sa harap ng surge ng COVID-19 cases.

Batay sa job displacement monitoring report ng Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 15,246 na manggagawa sa NCR ang nawalan ng trabaho.

Ang mga displaced workers ay mula sa 847 Metro Manila establishments, 69 dito ay tuluyang nagsara, at 778 establishments ang nagpatupad ng retrenchment o nagbawas ng manggagawa.


Sa buong bansa, 26,114 na manggagawa mula sa 1,567 establishments ang na-displaced sa loob ng tatlong linggo.

Ang report ay mula sa isinumiteng retrenchment at shutdown notices ng mga employer sa pamamagitan ng DOLE online Establishment Report System.

Facebook Comments