Umabot sa higit 15,000 piraso ng palitaw ang libreng ipinamigay sa Brgy. Malued, Dagupan City para sa kauna-unahang Palitaw Festival, kahapon.
Tampok sa pagdiriwang ang street dancing parade at libreng patikim ng makulay at masarap na palitaw sa mga dumalo.
Kilalang sentro ng paggawa ng palitaw ang Barangay Malued, na siyang pangunahing kabuhayan ng ilang pamilya dito.
Layunin ng festival na itaguyod ang kanilang produkto at ipakilala ito sa mas malawak na komunidad.
Bilang suporta sa mga lokal na negosyante, plano umano ng barangay na magtayo ng mga stalls at pasalubong center upang maging mas accessible sa publiko ang mga native na kakanin.
Ang Palitaw Festival ay hindi lamang selebrasyon ng matamis na kakanin kundi isang hakbang rin upang mapanatili at mapalaganap ang kultura, tradisyon, at kabuhayan ng Barangay Malued.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









