
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga biktima at pamilyang sangkot sa malagim na insidente sa Lapu Lapu Day Block Party sa Vancouver, Canada.
Nakahanda ang DFA at ang Konsulado ng Pilipinas sa Vancouver na magbigay ng nararapat na tulong sa mga naulilang pamilya at nakikipag-ugnayan na ang DFA sa mga awtoridad sa Canada upang matiyak na ang sapat ang suporta na maibibigay sa mga Pilipino sa nangyaring insidente.
Ipinagdarasal din ng DFA ang pagkakaroon ng lakas at katatagan ng buong Filipino community sa Canada.
Facebook Comments