Higit 170 specialty center sa bansa, target na ipatayo ng administrasyong Marcos hanggang 2028

 

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makapagpatayo ng higit 170 sa specialty center bago matapos ang kaniyang termino sa 2028.

Sa launching ng Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney Transplant Institute (NKTI) sinabi ni Pangulong Marcos na sa kasalukuyan ay nakapagtayo na sila ng 131 na functional specialty center sa buong bansa, kung saan 9 dito ang Lung Specialty Center.

Samantala, pito naman sa target na bilang ay ilalaan sa Lung Care Center sa ilalim ng Regional Specialty Center Act.


Layunin aniya nitong ilapit sa publiko ang pag-aalaga sa mga baga lalo na sa mga nasa malalayong lugar.

Dagdag pa ng pangulo, palalawakin din ng kaniyang administrasyon ang training sa mga healthcare worker para mapabuti pa ang kalidad ng kanilang serbisyo at tututukan din nila ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.

Facebook Comments