Maagap ang mga Pangasinense sa paggamit ng 911 emergency hotline ng kapulisan upang agad marespondehan.
Sa datos ng Pangasinan Police Provincial Office, nasa 172 tawag mula sa hotline ang natanggap at nirespondehan sa iba’t-ibang bayan mula noong Hunyo hanggang ika-10 ng Agosto.
Karaniwan sa mga tawag nito ay aksidente sa kakalsadahan, trouble incidents at illegal gambling.
Kamakailan, isang insidente ng panggugulo ang idinulog sa 911 at agad nirespondehan sa Aguilar dahilan ng agarang pagkakaresto ng isang indibidwal.
Samantala, nabigyan naman ng radio communication units ang mga barangay at ahensya sa San Jacinto upang maging katuwang sa pagpapatupad ng 5-minute response.
Kaugnay nito, iginiit ng tanggapan ang paggamit pa sa 911 hotline para sa agarang tugon sa anumang emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









