Sumampa na sa 17,078,676 o 22.14% ang mga nabigyan ng 2nd dose o yung mga Filipino na fully vaccinated na as of September 13, 2021.
Sa datos na iprinisenta ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque mula sa national COVID-19 vaccination dashboard 22,063,529 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna.
Ito ay mula sa 39,142,205 kabuuang doses ng mga bakuna na naiturok na.
Samantala, umaabot naman sa 395,704 ang average daily jabs ang naitatala.
Sa Metro Manila naman 8,461,499 o 86.55% target population ang nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 6,000,763 o 61.38% ang mga fully vaccinated mula sa 14,462,262 doses ng bakuna na na-administer kung saan umaabot sa 139,652 ang average daily jabs ang naitatala sa kalakhang Maynila.
Facebook Comments