Umaabot sa higit 18,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa unang araw ng pamamahagi ng ayuda ng national government sa lungsod ng Maynila.
Mula ito sa anim na distrito sa lungsod kung saan sa inilabas na datos ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), nasa 18,670 ang bilang ng mga benepisyaryo.
Kaugnay nito, nasa 74,680,000 na ang maipamahagi mula sa higit 1.4 bilyon na pondo na inilaan ng national government.
Nabatid na target sana ng MDSW na mabigyan sa unang araw ng pamamahagi ng ayuda ang nasa 30,832 na benepisyaryo pero hindi nakarating ang nasa 12,162 na iba pa.
Ngayong araw ay muling magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda kung saan plano ng MDSW na tapusin ito bago ang ibinigay na takdang araw na dalawang linggo.
Facebook Comments