Short film ng aktor na si Epi Quizon, humakot ng parangal sa abroad

Grateful ang aktor na si Epi Quizon sa hindi inaasahang parangal na kanyang natanggap.

Ito ay matapos na humakot ng awards sa indie short fest sa Los Angeles, California ang kanyang pelikulang “Bukal” na patungkol sa paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao.

Kabilang sa mga naiuwi ng grupo ni Epi ay ang best producer, outstanding achievement award for a first-time director, special jury mention, best drama short, best original score at outstanding achievement award para sa mga aktor.


Ayon kay Epi, inalay niya ang kanyang parangal sa kanyang yumaong ama na si Comedy King Dolphy at inang si Pamela Ponti.

Dahil dito, pasok na sa semi-finalist slot sa shorts competition sa 2022 Cannes World Film Festival ang nasabing pelikula.

Facebook Comments