HIGIT 180K NA MAHIHIRAP NA HOUSEHOLD SA ILOCOS REGION NA KABILANG SA LISTAHANAN 3 DATABASE , NATUKOY NG DSWD

Natukoy ng Department of Social Welfare and Development ang nasa higit 180k na kabilang sa listahanan 3 database ng ahensya.
Ayon sa validated indigent households ng ahensya ay mula sa “Listahanan 3” database, ay mayroon 184,716 na mahihirap na kabahayan mula sa 974,861 na-assessed na households sa Ilocos Region noong 2022.
Sinabi ni DSWD Ilocos Listahanan information officer Jaymante Pearl Apilado na ang Pangasinan ang may pinakamataas na bilang ng mga mahihirap na nasa 155,529 na kabahayan, sinundan ng Ilocos Sur na may 14,361 kabahayan, Ilocos Norte na may 10,208 at La Union na may 4,618.

Sa apat na lalawigan sa rehiyon, ang Pangasinan ang may pinakamataas na lawak ng lupa at populasyon sa mga lalawigan sa Rehiyon ng Ilocos.
Sinabi ng DSWD na ang Listahanan 3 database ay maaaring magsilbing batayan para sa pagtukoy ng mga potensyal na benepisyaryo para sa mga programa at serbisyo sa mga social protection bilang isang mekanismo para sa pag-validate ng mga datos sa kahirapan. | ifmnews
Facebook Comments