HIGIT 18K NA DOSES NG BAKUNA, NATANGGAP NA LIMANG HEALTH FACILITIES SA ILOCOS REGION

NATANGGAP na ng limang health facilities sa Ilocos Region ang higit 18k na doses ng bakunang Astrazeneca kaugnay pa rin ito ng nagpapatuloy na Vaccination Program ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Health-Center for Health Development Region 1, sinisiguro umano ng mga ito na maihahatid sa tamang oras ang mga bakuna sa mga implementing units ng rehiyon.

Tumanggap ng 7, 500 na doses ng bakuna ang Ilocos Norte Provincial Health Office, 8, 700 doses para sa Ilocos Sur Provincial Health Office, 200 doses sa Region 1 Medical Center, ang Dagupan City Health Office naman ay nakatanggap ng 2, 110 doses at sampung doses para naman sa Calasiao Rural Health Unit.


Samantala, sinigurado naman ng ahensya na sapat ang mga health workers sa mga ospital sa rehiyon sa kabila ng pagtaas ng covid-19 cases dito.

Facebook Comments