Pinangunahan ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo ang consultation meeting kasama sina Regional Technical Director for Operations and Extension Roberto C. Busania, Corn Program Regional Coordinator Paul Vincent G. Balao at Ilagan City Agriculturist Moises Alamo at iba pang mga key officials.
Napagkasunduan sa meeting na ang 107 milyong piso ay sasagutin ng DA habang ang 89.7 milyong piso ay manggagaling sa kaban ng Lungsod ng Ilagan.
Ang nasabing complex ay magsisilbing one-stop agri-commercial center hindi lamang para sa mga magsasaka ng mais ng Lungsod ng Ilagan kundi sa buong Isabela at Rehiyon dos.
Magsisilbi din itong post-harvest, processing at research facility upang masiguro ang kalidad ng produkto at mapataas ang kita ng mga magsasaka.
Sinabi ni DA Region 2 Director Edillo na ang Complex ang lulutas sa problema sa produksyon ng mais partikular na sa pagpapatuyo na nararanasan ng mga magsasaka lalo na sa tag-ulan.
Umaasa din si Edillo na kapag natapos na ang pasilidad ay mananatili nito ang status ng Cagayan Valley bilang top corn producer sa bansa.
Samantala, ang proyekto ay pangangasiwaan naman ng ‘Asosasyon ng mga Ama-Siyudad ng Ilagan (AMA-SILA)’ katuwang ang national government agencies, local government, state universities at colleges at iba pang mga stakeholders.
Nagsimula ang konstruksyon ng pasilidad noong third quarter ng taon at inaasahang maging operational na sa Pebrero ng susunod na taon.