Higit 190 volcanic earthquakes, naramdaman sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras

Inihayag ng Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na patuloy pa rin ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, nasa 193 volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang dito ang 156 na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 15 minuto.


Nakapagtala rin ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes na may taas na 20 metro mula sa Main Crater ng bulkan.

Nagbuga rin ito ng 830 tonelada ng sulfur dioxide kahapon.

Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa bulkan kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissures.

Facebook Comments