San Agustin Church sa Instramuros, Maynila, ila-lockdown simula ngayong araw

Isasailalim sa lockdown ang San Agustin Church sa Intramuros, Maynila simula ngayong araw, March 21.

Kasunod ito ng pagkamatay kaninang umaga ni Fr. Arnold Sta. Maria CaƱoza dahil sa COVID-19.

Ang 45-anyos na pari ay nakatalaga sa Convento de San Agustin bilang parish priest ng Archdiocese Shrine of N.S. de la Consolacion y Correa – San Agustin Church.


Dahil dito, mas pinahigpit pa ang pagpasok sa simbahan at conbento nito habang mananatiling suspendido ang operasyon ng at Parish Office nito hanggang sa magbigay sila ng abiso.

Humihingi naman panalangin ang pamunuan ng San Agustin Church para sa yumaong pari.

Facebook Comments