Natulungan ng pamahalaan na makauwi sa Pilipinas ang karagdagang 9,574 Overseas Filipino Workers (OFW).
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula nitong Pebrero, aabot na sa 195,224 ang bilang ng repatriated Filipinos.
Mula sa nasabing bilang, 67,484 (34.6%) ay sea-based workers habang 127,740 (65.4%) ay land-based.
Dalawang DFA-Chartered flights mula Saudi Arabia lulan ang 711 OFWs ang nakauwi na sa bansa, kabilang si Rose Policarpio na napawalang sala sa kasong murder.
Nitong Sabado, karagdagang 317 repatriated Filipinos, kabilang ang 12 bata mula sa Lebanon.
Tiniyak ng DFA na fully committed sila sa Assistance-to-Nationals mandate at sa kanilang daily repatriation efforts habang nagpapatuloy ang laban sa COVID-19 pandemic.
Facebook Comments