Sinuri ngayon ng DSWD Field Office 1 ang libu-libong family food packs at non-food items ng kagawaran sa iba’t iba nitong field offices and satellite sa rehiyon uno.
Ginagawa ang naturang pagsusuri o pag-imbentaryo sa mga Family Food Packs (FFPs) at Non-Food items kagaya ng hygiene kits, sleeping kits, kitchen kits, family kits, at tents na may kabuuang 19,014 na FFPs kung saan taun-taon.
Pinangunahan ng Inventory Committee ang naturang aktibidad upang tignan kung kailan ang expiration dates ng mga pantulong na ito.
Layunin nito ay upang malaman pa ang mga maibibigay na karagdagang tulong sa mga apektadong pamilya o indibidwal tuwing may kalamidad.
Ang imbentaryong ito ay malaking tulong umano upang makapamahagi ng dekalidad na FNFIs at mapanatiling sapat ang FNFIs na nasa iba’t-ibang warehouses sa Rehiyon Uno kung sakaling kailanganin para sa augmentation ng iba’t ibang agencies sa rehiyon uno. |ifmnews
Facebook Comments