LIBRENG ANTI-RABIES SA LUNGSOD NG DAGUPAN, UMARANGKADA NA

Umarangkada na ang libreng anti-rabies sa lungsod ng Dagupan, kahapon January, 27, 2023 sa Brgy. Pogo Chico sa nasabing lungsod.
Hatid ito ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, sangay ng City Veterinary Office na naglalayong mabakunahan ang mga alagang pusa at aso ng mga residente upang maproteksyonan ang mga ito para maiwasan ang panganib mula sa aksidenteng pagkagat ng hayop sa tao.
Iba pang mga serbisyo tulad ng libreng gamot at konsultasyon para sa mga alagang hayop ang saklaw ng nasabing free anti-rabies vaccination activity.

Samantala, may mga itinakda ng schedule para sa anti-rabies vaccination na hatid sa mga bara-barangay sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments