Higit 1K pamilya, inilikas na sa Cagayan dahil sa banta ng bagyong Ramon

Umabot na sa higit 1,000 pamilya ang apektado ng bagyong Ramon sa Cagayan.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba – 1,497 na pamilya mula sa 12 bayan ang apektado kung saan higit 800 pamilya ang nasa evacuation centers.

Patuloy ang isinasagawang pre-emptive evacuation at target nila ang zero casualty.


Mahigpit ding ipinapatupad ang liquor ban.

Sa Isabela, nakataas sila sa red-alert status at tinututukan na ang kanilang mga coastal areas at mga mabababang lugar

Sabi naman ng DSWD, nasa higit 18 milyong pisong halaga ng tulong ang naka-antabay sa mga maapektuhan ng bagyo.

Samantala, nagsuspinde na ng klase sa mga sumusunod na lugar dahil sa epekto ng bagyo.

All Levels

Batac, Ilocos Norte

Currimao, Ilocos Norte

Laoag city, Ilocos Norte

Pagudpod, Ilocos Norte

Paoay, Ilocos Norte

San Nicolas, Ilocos Norte

Cagayan Province

Conner, Apayao

Pres-School – High School

Badoc, Ilocos Norte

Pre-School

Benguet

La Union

Facebook Comments