Higit 2.5 million nabakunahan sa unang araw ng National Vaccination Drive
Nakapagtala ang National Vaccination Operation Center (NVOC) ng 2,554,023 na mga nabakunahan kahapon Nov 29, 2021 sa unang araw ng 3-day National Vaccination Day.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NVOC Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na ang nasabing datos ay 2.5 na beses na mas mataas sa ating weekly average.
Ito rin ang ikalimang highest vaccination sa loob ng isang araw sa buong mundo, sumunod sa China na nakapagtala ng 22 million a day, sa US na 3.48 million at Brazil na 2.6 million sa isang araw na bakunahan.
Sinabi pa ni Usec. Cabotaje na kabilang ang Regions 4A, 3, 6, 7 at 5 sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamaraming nabakunahan kahapon.
Samantala, bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bakunahan ang lahat ng eligible population.
Pinapayagan na ang walk-in sa mga vaccination sites.
Giit ni Usec. Cabotaje, walang uuwi na pumila sa alinmang vaccination site ang hindi nabakunahan.