Pag-atras ni Senator Bong Go sa presidential race, magiging pabor sa administrasyong Duterte

Magiging pabor sa Duterte Administration ang pagbitiw ni Senator Christopher “Bong” Go sa presidential race ngayong 2022 Elections.

Ito ang inihayag ni UP Professor and Political analyst Dr. Jean Franco sa interview ng RMN Manila kasunod ng anunsyo ni Go ngayong araw sa pag-withdraw nito sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Ayon kay Franco, mas mapo-pokus na ng administrasyon ang boto ng kanilang supporters sa magiging presidential bet nila.


Samantala, inihayag ni Franco na makikita ang kredibilidad ng isang kandidato sa pagtupad ng pangako nito sa pamamagitan ng track record nila.

Mahalaga rin aniya para sa botante na malaman ang detalye ng mga pangako ng bawat kandidato upang malaman kung maisasakatuparan ito sa itinakda nilang panahon.

Facebook Comments