Higit 2 Libong Households sa Tuguegarao City, Nabigyan ng Financial Assistance

32

Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng tulong pinansyal ang ilang households sa dalawang barangay sa Lungsod ng Tuguegarao bukod pa sa mga food at non-food items na ipinapamahagi ng DSWD Field Office 2.

Tinatayang aabot sa 2,000 households sa barangay Linao East ang nabigyan ng financial assistance mula sa DSWD habang nasa 413 na households naman sa barangay Linao West ng Tuguegarao City.


Ang bawat household ay nakatanggap ng tig P3,000 cash kung saan tinatayang aabot sa Php7, 239,00 ang kabuuang halaga ng tulong pinansyal na naipamahagi sa dalawang barangay.

Ang brgy Linao East at Linao West ay kabilang sa mga lugar na malubhang tinamaan ng pagbaha sa Cagayan.

Samantala, sinisigurado ng DSWD na mayroong sapat na pagkain at non-food items ang ipapamahagi para sa mga pamilya na nananatili pa rin sa mga evacuation centers mula sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon dos.

Facebook Comments