Umaabot sa kabuuang 2,686,834 mga estudyante sa buong bansa ang nakapag-enroll na para sa School Year 2021-2022.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na base sa kanilang pinakahuling datos sa early registration, pinakamarami rito ay mula sa CALABARZON (290,464), Region 6 (216,237) at Region 3 (203,041).
Habang sa National Capital Region (NCR) ay nasa 201, 036 na ang nakapag-avail ng early registration para sa susunod na school year.
Pinaka-kaunti sa ngayong rehiyon na nakapagtala ng early registration ay sa CAR na may 72, 763.
Ito ay mula sa mga mag-aaral ng Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.
Ayon sa kalihim, magpapatuloy ang early registration hanggang April 30, 2021.
Sa ngayon, wala munang face-to-face classes hangga’t mataas pa rin ang banta ng COVID-19.