
Umabot na sa mahigit 2 milyon ang kabuuang bilang ng mga naproseso ng Commission on Elections (Comelec) na mga aplikasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.
Sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia, nasa 2,135,181 na ang naprosesong aplikasyon.
Sa nasabing bilang, 1,014,069 ang lalaki habang 1,121,112 naman ang babae.
Nanguna sa may pinakamaraming aplikante o nagparehistro ang Region IV-A na mayroong 387,076; Region III na may 252,067, at sinundan ng National Capital Region (NCR) na nasa 229,634.
Mayroon namang 120,162 sa Region VII habang sa Region V ay nakapagtala ng 117,812 registered voters.
Umaasa ang Comelec na madaragdagan pa ang bilang ng mga nagpaparehistro bago matapos ang itinakdang deadliem nito sa May 18, 2026.










