Umabot sa 2.4 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska at sinira ng mga awtoridad sa Tabuk City, Kalinga.
Ito ay kasunod ng isinagawang joint marijuana eradication operation ng Provincial Drug Enforcement Unit-Kalinga PPO katuwang ang Provincial Intelligence Unit-Kalinga PPO, Tabuk CPS, Tanudan MPS, 1st and 2nd Kalinga PMFC, 501st & 1503rd MC, RMFB15, RID PROCOR, at Kalinga PDEA sa Sitio Binongsay, Malin-awa, Tabuk City, Kalinga noong August 4-5, 2022.
Nadiskubre ang halos 12,000 marijuana plants sa 1,200 sukat ng lupain.
Nabigo naman ang mga awtoridad na madakip ang mga nagtanim or nagmamay-ari sa mga marijuana matapos walang maabutan ang mga ito sa nasabing lugar.
Facebook Comments