Tutulong ang United Arab Emirates (UAE) sa Pilipinas sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga kaso ng online sexual abuse and exploitation.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos, Jr., na nasa 21 na artificial intelligence (AI) programs ang ipadadala ng UAE sa kapulisan para tumulong sa pagsasala ng mga tama at pekeng sumbong kaugnay ng mga kaso.
Makikipag-ugnayan din aniya ang pamahalaan sa mga opisyal ng social media companies para tumulong din sa pagresolba ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation.
Ayon naman sa Department of Justice (DOJ), kailangan din palakasin ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay ng online sexual abuse and exploitation, para mas maging bukas ang kamalayan ng publiko hinggil sa usapin.