LTO, nagsampa na ng mga kaso laban sa mga operator ng mga colorum na sasakyan

Sinimulan na ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang pagsasampa ng criminal cases laban sa mga operator ng mga colorum na sasakyan.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, personal na nagtungo sa Caloocan Prosecutor’s Office ang kanilang mga tauhan para magsampa ng kaso.

Hindi naman binanggit ni Versoza kung ilan ang kanilang nasampahan ng reklamo.


Muling nagbabala si Versoza sa iba pang colorum operators na kakaharapin ng mga ito ang batas kung magpapatuloy sa kanilang ilegal na akTtibidad.

Kaugnay pa rin ito sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na paigtingin ang operasyon laban sa mga colorum operator upang magkaroon ng patas na kompetisyon at matiyak ang kaligtasan ng mga sumasakay sa mga Public Utility Vehicles (PUV).

Facebook Comments