Cauayan City, Isabela- Muling namahagi ng mga libro ang kapulisan ng Lungsod ng Cauayan sa mga batang mag-aaral ng Alicaocao Elementary School.
Mahigit dalawampung mga batang mag-aaral mula sa barangay Alicaocao ang nabigyan ng libro sa ilalim ng Project BUKLAT-MULAT o Libro ay BUKLATin-Mag-aral Upang Landas Ay Tumuwid sa pangunguna ni PLT Scarlette Topinio, WCPD at Information Officer ng PNP Cauayan kasama ang ilan pang mga pulis.
Bukod sa project Aklat ay isinagawa rin ang kanilang Project VIBES at Oplan BES sa mga naturang mag-aaral.
Bahagi rin ng kanilang proyekto ang pamamahagi ng mga school supplies at pagpapakain sa mga bata.
Layon ng nasabing proyekto na mabigyan ng karagdagang babasahin ang mga mag-aaral tulad ng mga libro, flyer, magazine at iba pa upang sa ganon ay mapahusay pa ang kanilang edukasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Facebook Comments