Isinagawa ang exhibit ng mga makinarya at equipment na ginagamit sa Pre-production, Production, Processing, Harvesting ng mga iba’t ibang produktong agrikultura.
Ilan sa mga ibinida sa exhibit ay ang Multi-Purpose Seeder na gawa ng ACT Machineries and Metal Crafts Corp.; Rice Transplanter na imbensyon ni Engr. Elmer Agpaoa; Egg Incubator mula sa Lyfer’s Incubator Shop; at marami pang iba.
Nagsilbi bilang Panauhing Pandangal si Usec. Merceditas Sombilla, Undersecretary for Policy and Planning ng Department of Agriculture (DA).
Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad sina Dir. Narciso Edillo, Regional Executive Director, DA RFO2; Ginang Rose Mary Aquino, DA FRO2 RTD for Research, Regulation, and Admin Concern; Ginoong Moises Alamo, Ilagan City Agriculturist; at Provincial Agriculture Office.
Layunin ng Technology Forum na itampok ang gawa ng ating mga lokal na imbentor na mga makinaryang pang agrikultura na maaaring palaganapin hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.