5ID AT BFP GAMU, NAGSANIB PWERSA SA PRACTICAL FIREFIGHTING ORIENTATION

31
Magkatuwang ang kasundaluhan ng 5th Infantry Star Division (5ID) at Bureau of Fire Protection (BFP) Gamu sa isinagawang Practical Firefighting Orientation and Return-Demonstration nitong Miyerkules, September 28, 2022 sa 5DTS Lagoon Area, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Ang nasabing aktibidad ay mula sa “Disaster Response and Rescue Operations Training” ng BFP Gamu sa pangunguna ni SFO2 Wesley Austriaco II, Gamu MFPO.

Ginamit sa pagsasanay ang mga kagamitan ng 5ID na pangunahing ginagamit pamatay ng sunog kabilang ang firetruck, firefighting/rescue tools and equipment.

Ang pagtutulungan ng nasabing mga ahensya ay layuning bigyan ng ibayong kaalaman at kasanayan ang kasundaluhan sa pagsugpo ng sakuna partikular ang sunog upang masiguro hindi lamang ang kaligtasan ng mamamayan kundi maging ng mga responders.

Facebook Comments