Umabot na sa 23 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Hospicio de San Jose sa Maynila.
Ayon sa Archdiocese of Manila, naka-isolate na ang mga nagpositibo at kasalukuyang naka-lockdown ang gusali.
Ang Hospicio de San Jose ay isa sa pinakamatagal na charitable institution sa bansa na nangangalaga sa mga bata, matatanda at sa iba may pangangailangan.
Sabi naman ni Sister Maria Ana Evidente, isa sa namumuno sa Hospicio, April 21 pa nang higpitan nila ang quarantine para hindi na kumalat pa ang virus sa loob ng compound.
Ipinagbabawal na rin ang pagpasok sa loob nang walang pahintulot.
Matatandaang una nang kumalat sa social media na nangangailangan ng tulong ang Hospicio de San Jose matapos na i-lockdown dahil hindi nasila pwedeng lumabas para bumili ng pagkain.
Halos 500 ang mga nanatili sa Hospicio kabilang ang mga bata, matatanda at mga walang tirahan.
Nagpapasalamat naman sila sa mga tulong na dumarating.
Sa mga nais magbigay ng cash donation ay maaaring magpadala sa bank account na makikita sa official Facebook page ng Archdiocese of Manila Office of Communications.
Ang iba naman ay maaaring mag-iwan ng kanilang donasyon sa mismong gate ng Hospicio de San Jose na matatagpuan sa Ayala Bridge sa lungsod ng Maynila.