Taguig LGU, hinikayat ang mga residente na makiisa sa free PCR test

Nanawagan ngayon ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa mga residente nito na samantalahin ang kanilang libreng PCR test.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano bukas ang kanilang free PCR testing mula Lunes hanggang Biyernes.

Kaya aniya, walang dahilan na walang oras o panahon para magpa-test laban sa COVID-19.


Maliban dito, naglunsan na rin ang lungsod ng drive-thru testing tuwing Miyerkules sa Bonifacio Global City at tuwing Biyernes sa Lakeshore at Park ‘n Test sa Vista Mall Parking Building na bukas din tuwing Lunes.

Layunin nito na agad malaman kung sino ang positibo sa COVID-19 upang agad din na makapag-quarantine at mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments