Target ng pamahalaan na maabot ang higit P20 milyong indibidwal na fully vaccinated sa bansa sa katapusan ng buwan.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galves Jr., sa ngayon ay nasa 40.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na ang naipamahagi sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 17.97 milyon dito ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.
Aabot na rin sa 4.2 million o 51% ng kabuuang bilang ng senior citizens ang fully vaccinated na.
Dagdag pa ni Galvez, sa ngayon ay 421,606 daily average vaccination rate ng bansa kung saan indikasyon ito na nananatiling ‘on track’ ang bansa pagdating sa vaccination roll out.
Tinitignan na rin nila ng posibilidad sa pagbabakuna sa mga kabataang nasa pagitan ng edad 12 hanggang 17 sa oras na may ‘go signal’ na ito mula sa eksperto.