Higit 20 na pamilya mula sa Marawi, nasa Pagadian City

Higit 20 na pamilya mula sa Marawi, nasa Pagadian City

Pagadia City, Philippines – Mahigit sa 20 pamilyang evacuees mula Marawi City ang pansamantalang naninirahan ngayon sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Pagadian.

Sa talaan ng city social welfare and development office, dalawampu’t lima na pamilya ang nasa lungsod partikular sa barangay Kawit, Pagadian City.


Habang, ilan naman ay kasalukuyang nakikituloy sa kanikanilang mga kamag-anak na nasa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Panawagan naman ng mga opisyal sa lungsod sa mga evacuees na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa lungsod o sa local social welfare office sa pinuntahang lugar upang mabigyan ang mga ito ng tulong.
DZXL558, Kenneth Bustamante

Facebook Comments